Friday, August 10, 2007

Touchstone of Acceptance

A statement written in secret by an anonymous girl (I would assume). Originally printed in a Starbucks napkin. Too beautiful to be thrown away. It's a sad story of friendship and acceptance. I'm putting it here as it was written in the napkin: in tag-lish. (I just made up the title because there was no title in the original).

"Ang hirap intindihin ng taong ayaw mag-reach out sayo. Sobra sobra ba yung hinihingi ko? Gusto ko lang maintindihan sya. Sana tulungan nya naman ako. Wala naman ako sigurong hinihingi na di nya kaya ibigay.

"I know parang hindi totoo, pero wala naman akong agenda eh. Special ang attention na binibigay ko sa kanya kasi gusto ko yung ugali nya. Pero minsan parang hindi ko gusto. Ang hirap nya kasi ma-gets.

"Iniisip ko ngayon kung ganito rin kaya kahirap maki-relate kay J noon? Alam ko magkaiba sila, pero bakit si J na-gets ko? Bakit sya ngayon hindi ko ma-gets?

"Baka naman time lang ang kailangan. Time na hindi ko naman mahingi at hindi nya rin naman maibigay. Kung time ang kailangan, time ang hindi namin makukuha. Ang lungkot naman yata nun. Kasi ang dating parang walang chance na maging tight itong friendship na ito.

"Baka nafi-feel nya na kakaiba yung treatment ko sa kanya, at pakiramdam nya may gusto ako sa kanya. At para hindi ako mag-fall sa kanya ay iniiwasan nya ako this way. If so, then I guess hindi nga talaga worthwhile itong friendship na ito. At hindi ko nga talaga siguro sya friend.

"Sabi ni J dati, kung talagang friend ang turing sa akin ng isang tao, hindi sya mag-aasume ng anything negative about my actions. Dapat naiintindihan nya na lang yun. Pero feeling ko ngayon, sya, nami-misinterpret nya lahat na parang may gusto ako mangyari.

"Wala akong gustong mangyari. Gusto ko lang tanggapin nya yung friendship na binibigay ko sa kanya. Yun lang. Na sana, wag nya ako i-push away, kasi alam ko at kampante ako na kahit ganito ako, na parang hindi nya ako maipagmalakit na kaibigan nya, ibang klase akong kaibigan. At ako lang ang kaibigan nyang ganito. That is, kung makita nya lang sana yun.

"Pero hindi nya makita. Ayaw nya nga yata tingnan eh. The fact that hindi nya kayang i-open up yung sarili nya sa idea na I'm going the distance trying to make him feel special says a lot about how he sees me in his life.

"Palagay ko natatakot sya na mag-fall talaga ako sa kanya. I wish there's a way to tell him na hindi ako ganun, para hindi sya mag-pull away. But then again, maybe he's simply not worth it.

"I want him to be worthy, pero wala na sa kamay ko yun kung worthy sya or not. At kung hindi, sayang naman.

"Parang ang yabang pakinggan, pero alam ko ang self-worth ko. By this time, hindi na option ang low self-esteem. At hindi bababa ang tingin ko sa sarili ko dahil lang hindi ako ma-appreciate ng ibang tao.

"I don't feel bad na hindi nya ako kayang tanggapin. I feel bad for him kasi ayaw nyang ma-effort na tanggapin ako. I could have been the best friend he could ever have. Siguro lang mababa na talaga ang standards ng best ngayon."
Ang lupit noh? ;p